A bit of me

I am "NF ROB" writing and reading are my drugs. I can block the whole world when I do both and I have an element of craziness in my mind, in the end, all artists have that element. It's the fountain of our creativity. It's the reason we feel like we fly away when our craft starts to direct itself on the paper... show ur inner thought....

sa tagalog....

Ako ay si "NF ROB" at ako ay magaling umakyat ng mora,magpanganlin ng bayawak,manguha ng parensukit, bag-ang alo, puso-pusoan at bag ang usa. Kayang maglakad papuntang balungay via kalusan habang nangunguha ng tagbak amayit at kibal. Marunong ding mag-ihaw ng rimas at araro. Ganun di ang mag bitag ng labuyo, musang at alimos. Marunong ding manihi, mamangkalan, bugitis at kukung kabayo. Mahilig ding kumain ng sahang, kibit, balatan, at tibangka. Paboritong kong isda ay mungit, pakoy tang iban, tampal puke at baol baulan. Marunong ding manapon, mamaktaw, mag kitang at mamana ng talusak, buragta at padot, paborito mag langoy sa buhang, kalibon at maputi. Magaling ding mamatda ng bukwit, taray taray tuririyak at manok manokan. Marunong ding mamugad ng tikling, tsubak, tubtub at lagaran. marunong ding umakyat yng kayabing, pilig at pilaway. Marunong ding manguway ng limuran , taliktik, at palasan.


Isang uripon na lumalaban ayon sa karapatan at di tumitingala sa mga maharlikang ganid sa kapangyarihang mula sa utak ng manlililok.
Marunong din ako tumaya ng lotto at nagpapake sa Binggo ang magpusoy, tong it's. Kumikilala at sumasaludo sa matatapang na makalumang sota,oros, kopas, espada at bastos

Hindi tumitingin sa salamin dahil sa hintatakot ng mga maharlika kong balahibo,,,

Wednesday, November 26, 2014

"Cellphone"


"Cellphone"

By WOF

Lungkot ko ngayong gabi
Sa mga narinig at kanilang nasabi
Trabaho nila’y nahinto
Bigla naman utak ko’y nalito

Minsan lamang silang nasilayan
Sa Industrial doon ko lang sila namalayan
Simpleng tawa, simpleng tuwa
Nagkita-kita na may kung anong saya

Araw at Buwan ay lumipas
Maraming karanasan na umalpas
Mga iba ay kailangan ng umalis
Lungkot sana ay biglang tumalilis

Hindi naman ganun ka dikit
Pero kung anong parang nakakapit
Marahil dahil kapatid ko sa balikat
Kaya ganito na lang na parang pilat

Ayaw ko ng ganitong nararamdaman
Hindi makatulog na parang may karamdaman
Diwa ko’y gising kahit mata’y pikit
Sila pa rin ang nasa isip kong pilit


=(

FRMG ROB

Friday, October 25, 2013

Kiss me under the light of a thousand stars!





A thought

"Ask me why I keep on loving you.. when it's clear that you don't feel the same way for me... the problem is that as much as I can't force you to love me, I can't force myself to stop loving you..."


I hate the day today, because it lendeth light...  To see all things, but not my love to see... my bad blind


-Berto

Thursday, September 5, 2013

7 Taong pangungulila sa ama


7 taong pangungulila sa “Ama"

mula kay WOF
created April 27, 2007.
(True to life story na gawa ko Roberto"FRMG ROB" Policarpio)

Mahal mo ba tatay mo?.. Minahal ka ba ng tatay mo?
Madami pang tanong iba"t ibang sitwasyon sa bawat isa na nararanasan natin sa piling ng ating mga taytay. Kung ako tatanungin, eto ang sagot ko “Mahal na Mahal pala ako ng tatay ko!"

Huli na ng maramdaman ko yun after Graduate. Kasalanan ko rin namin dulot ko sakit ng ulo at sama ng loob kaya naging strikto si erpat sa akin. Simula ng ako'y tumuntong ng Haiskul puro patawag sa Guidance Office akala nila masasabitan ako ng medalya eh puros sermon ang inaabot.

Pag uwi ng bahay walang kibuan ipagpapatuloy ni erpat ang kanyang naudlot na pagluluto (kusinero si erpat). Magbabalot na lang ng mga ulam at mga ibang paninda, ilalagay sa Basket at malaking kaserola at aalis na di ako isasama. Alam ko yun galit si erpat sa akin syempre tuwang tuwa namn ako dahil di ako makakasama sa pagtitinda.

Siguro dahil nagsawa na ako nagsawa ako sa pagiging mahirap. Ang tumira sa isang Looban (diko alam kung masasabing squatter) na mga kapit bahay ay tsismosa, bungangera, mga sugarol at adik. Minsan nagtanong ako sa sarili ko “Tay bat ba tayo mahirap? bat ba kailangan tayong magtinda?. Naiingit ako sa mga ibang bata na imbes makasama ko sa kanilang paglalaro eh hindi kundi isasama ako sa pagtitinda.

Share ko lang ito Grades school at High School Graduation walang magulang na pumunta sa pagtatapos ko (kakaingit sa mga ibang friend mo dahil kumpleto sila at sinasalubong sila ng yakap at halik ako wala) eh kasi kailangan kasi nila magtinda para may kita. So dumating ang pagtatapos ko ng College it was March 24, 1997 as usual wala sila sanay nako at di namn sila naghahanda pag ganung okasyon. Kaya sumama ako sa mga ibang barkada para mag celebrate.

March 25, 1997 at 3 AM in the morning umuwi ako galing sa kasiyahan. Nagtaka ako sa labas bat bukas pa ang ilaw sa ibaba. Binuksan ko ang pinto (may sarili akong susi) Nabigla ako at napa luha nakita ko ang tatay naka higa sa mahabang bangko at ang mga niluto andoon ibat ibang putahe. hindi nila ginalaw hindi sila kumain hanggat di ako dumating. Mula sa itaas ang nanay bumaba tanong “Bat ngayon ka lang?" habang nangingilid ang luha nya. Suot ko pa rin ang toga ko at may luha nakatiningin kay Tatay. Ang tatay ko nagising at napatayo bigla deretso sa lababo at para kumuha ng pinggan. wala kong nagawa kundi lumapit sa kanya at yumakap at humingi ng tawad. Ito ang di ko makakalimutan na sinabi nya sa akin “Bat umiiyak ka? Graduate ka na Roberto... Malaya ka na.. Kung ano man ang gusto mong gawin sa buhay mo ngayon nasa sa iyo na yan.. may diploma ka na" sabay talikod at alam kong nagpunas din sya ng luha.

Simula noon di na kami masyadong nagkakabanggaan dahil alam ko na ang dahilan kung bakit naging istrikto sya sa akin.

Ng una nyang masilayan ang kanyang apo tuwang tuwa sya pero kailangan kong mangibang bansa sa pagalis ko parang ayaw kong humiwalay sa pagkakayap sa erpat ko. at ito naman ang pinakamahalaga at huling naging bilin nya sa akin “Patawarin mo ako sa mga hirap na naranasan mo sa akin sana man lang sa paglaki ng apo ko at susunod pang mga apo wag mong ipararanas ang mga naranasan mo sa piling namin ng nanay mo, baka di narin tayo magkita pagbalik mo. Alam mong palala na rin ang sakit ko. Wala na akong masabi noon kundi “Tay hintayin nyo ang pagbabalik ko at hintayin nyo pagbibinata ng apo nyo".

Nang nasa Saudi ko hanggat maari ayaw kong tumawag kina tatay at nanay. Nauubos at nasasayang lang ang tawag sa telepono dahil kakaiyak. April 2, 2000 huling pag-uusap namin ni erpat birthday ng utol kong babae. Nakausap ko uliti si erpat“Kailan ka ba uuwi??? tanong nya.." baka huling pagluluto ko na ito sa bday ng kapatid mo nanghihina nako anak. Mahal na mahal ko kayong dalawa ng kapatid mo... sa sinabi nyang yun napahagulgol ako ng iyak sa telepono. Mga nakatingin ibang lahi mga pinoy at pati arabong nagmamanage ng Call Cabine sa Saudi. Nasabi ko lang kay erpat“Tay, uuwi ako ng August at ipagluluto nyo pa ako sa Bday ko sa unang pagkakataon"

April 27, 2000 - 8:00 tumingin ako sa kalendaryo at sinabi “Yes! ilang buwan nalang uuwi na ako."  napangiti ako. ika 10:00 ng umaga sa trabaho may tawag ako mula sa pinas Ang nanay.. sa pagsagot ko ng "Hello Nay" pigil na hikbi na ng aking Inay ang narinig ko at sinabing "Wala na si tatay... hanggan umi-iyak na sa kabilang linya" Pinaramdam kong matatag ako at tanggap ko "Nay wala na tayong magagawa hanggang diyan nalang si tatay Lakasan nyo loob nyo...Ok lang ako dito... uuwi ako mag reresign ako today para maka uwi agad ako...


Ng matapaos ang pag-uusap tulala ako...nakatingin ang mga kasamahan kong mga pinoy sa akin. sa isang sulok sa warehouse at umupo ako.. nakatingin sa kawalan at iniisip si erpat at simulang tumulo ang aking luha parang di ko matanggap na pumanaw na sya. “Ang daya mo tay, di mo ko hinintay na makauwi ako sa august dahil yun lang ang bday ko na ipagluluto mo ako at di mo na din makikitang magbibinata ang apo mo."

Sa pag-uwi ko mas pinakita kong matatag ako.. ayaw kong ipakita sa nanay ko na iiyak ako.. na nanghihina na makita ko ang tatay ko na makakasama ko nalang ng tatlong araw ngunit diko na makakausap. Doon ko nalaman kung gaano kahalaga ang isan“AMA" sa buhay. Mahirap sa una hanggang ngayon medyo sariwa pa.

May bagay ako mula sa erpat ko na hanggang ngayon ay dala ko. Isang isang pares na sapatos. Ang“Huling Sapatos at isang“Polo" nya na hanggang ngayon dala ko dito sa U.A.E.. 7 taong pangungulila ko sa“AMA" Weird bah? Eto kasi ang sapatos na binili nya sa akin at polo na minsan ginagamit nya. Di ko na rin sinusuot. Ilang tahi na ba ang sapatos na ito hehehe ilang palit na ba ng swelas??? di ko na matandaan.

Haaayyyyyyyyyyyy ako ay mga supling narin. Mas malaki ang pagkukulang ko sa kanila kesa pagkukulang ng tatay ko sa akin Hindi sapat ang telepono at sa loob ng 10 Taon na pag aabroad 3 beses ko palang sila nakikita nakakausap nalalambing ng personal. Sa totoo lang ayaw ko na ring lumabas ng bansa ngunit may pangako ako sa tatay ko na di ko pararanas sa kanila ang naranasan kong paghihirap.

Nahihirapan din namn ako naiingit ako sa mga kaibigan ko na may mga anak dito sa U.A.E. mga inaanak ko. Na mimiss ko mga anak ko Mahal ba nila ako???

Ikaw mahal mo ba tatay mo???

ika pitong taon pangungulila ko sa erpat ko ngayong araw na ito

WOF


(repost ko lang. Sa darating na April 27... ika-9 na taong pangungulila ko na sa aking "Ama" hope you like it)

ref: http://www.pinoytambaygroup.com/index.php/topic,61784.10.html

http://pinoylifestories.blogspot.com/2010/11/7-taong-pangungulila-sa-ama.html

Wednesday, December 19, 2012

DI MO SAKLAW KUYA!








"Hindi mo Saklaw Kuya"

Si Derf at Japulo ay magkasamang nagtratraho sa isang kilalang-kilalang limbagan ng mga peryodikong may mga malilikhaing kwento ng samut-saring buhay. Sila'y magkaibigan, bagamat si Japulo ay may posisyon bilang Manunulat at editor in Chief at si Derf ay isang clerk lamang. Hindi maiiwasan ang mga problema sa trabaho ngunit hindi dapat saklawan ang mga buhay ng ibang tao. Lalo't alam mong may tiwala ang ibang tao sa iyo at alam mong nirerespeto ka.

Sa opisina ni Japulo... Hit-hit buga siya ng sigarilyo habang nakatingin sa lawak ng mga nagtataasang instraktura sa lungsod ng Makati na animo'y may malalim na iniisip at hindi mapakali, ng may biglang kumatok.

"Pasok..." sabi ni Japulo, at humarap sa pintuan.

Biglang pumasok sa Derf at nakita ni Japulo na dis-appointed ito at may nakalamukos na pahina sa kanya at higpit kapit ito sa kanyang kamao na kung saan nakita nya ang artikulo na kung saan sya gumagawa ng kwento.

"Bakit kailangan mong isiwalat ang pribado kong buhay at ni Conchie" isang matigas at galit na tanong.

"Anong isiniwalat ko???" isang sulyap at sabay talikod. nag-sindi ulit siya ng panibagong sigarilyo at ito ang huling wishing cigar na kanya ng nakasanayang gawin.

"Wag ka ng magmaang maagan... isa kang writer at alam mo kung anong isinulat mo at sino ang tinutukuyan ng mga isinulat mo" wika ni Derf.

"Calm down Derf... pwede nating pag-usapan ito ng maayos".

"Anong pag-uusapan... nailathala na at naibenta na... bakit ganyan ka Japulo... taas ng respeto ko sa iyo, bow ako.. bakit pati ang PRIBADO KONG BUHAY! PAKI-KIALAMAN MO!"

"Shut up Derf! you are in my office tang ina!" galit ng sagot ni Japulo.

"No! YOU SHUT UP! AND THE HELL..... YOUR OFFICE!!!" isang galit na sagot din ni Derf.

"Ano bang problema mo Japulo!? Tinatanong naman kita pero wala kang sagot... Hindi ko alam ang mga sagot sa mga katanungan ko kung bakit nag iba ka ng pakikitungo... ni wala kang abiso sa akin na pribado ko ang isusulat mo" salitang may hinanakit mula kay Derf.

"Pribado mo?? bakit may nakalagay bang pangalan mo? o ni Conchie? wala naman diba? wala! wala! wala!"

"Hindi ako TANGA o bata na kaya mong utuuin... Hindi lang ikaw ang nakakaalam ng mga sikreto ko na tinatago ko. Ikaw? ba't ayaw mong ikwento ang pribadong buhay mo? Alam na ba ni Monika ang lahat ng nakaraan mo?"

"Tumigil ka Derf! Get Out in my Office!!!! Out!" sigaw ni Japulo

"Hindi ako aalis dito hanggat di ko nasasabi ang nararamdaman ko. Dahil ipinadama mo sa akin na kahit Clerk lang ako at nakaka anagat ka ay tatapak-tapakan mo lang ako! May bahid ako at may bahid ka din! Hindi mo pinahalagaan ang Pribadong Buhay ng mga kaibigan mo! May itatanong ako.. Nung nag uumpisa kayo ni Monika?? Hindi bat kasama mo ako para itago sya at paniwalaan ang ibang tao na sya ay isang prosti??? Baket? Kailangan mo syang ikahiya? Bakit kailangan mo sya itago? tanong ko?"

Isang malalim na hininga ng galit mula kay Japulo.

"Magtigil ka Derf di mo alam ang pinagsasabi mo!'

"Ikaw ang dapat tumigil... Hindi mo nararamdaman ang nararamdaman kong sakit. Dahil gusto mo ikaw ang laging wagi...ang panalo... Oo nga pala... pinaniwala mo ako na bibili ka ng bahay at inilapit kita sa isang Kaibigan kong Manager sa bangko para maaprubahan ang loan mo... pero anong ginawa mo Bumili ka ng Kotse!? Tang inang Kotse! kapalit ang tiwala at paliwanag ko sa kaibigan ko dahil hanggang ngayon kulang kulang pa din ang hulog mo at mismo sya ay di na nagtitiwala sa akin"

"Bakit pati ang nakaraan ko bago kay Conchie ay isinulat mo pa... at pati ang kanyang pagbubuntis... Hindi bat sabay lang sila ni Monika na di natin alam kung delayed lang o buntis nga?"

"Derf tumigil ka na it will not help at hindi kayo ang na ikwento ko at huwag mo ng ibalik ang nakaraan"

"Japulo inuulit ko hindi ako TANGA! basahin mo ulit ang ikinuwento mo at itanong mo sa mga kaibigan nating nakakaalam ng mga Sikreto natin para malaman mo... wala ka na bang ma-ikwekwento na iba Japulo? na kahit ang Pribadong buhay ng mga kaibigan mo ay isusulat mo? wala na ba ang hasa ng utak mo? O hindi ka masaya nakikitang masaya ang relasyon ng mga kaibigan mo?" tanong ni Derf

"Sino pa ang magtitiwala sa iyo dahil sa ginawa mo sa akin???.... palagay mo ba mag kwekwento pa sila sa iyo... dapat sa iyo nag kwekwento sa mga artista... doon ka nababagay"

Isang talikod at lagabog na isinara ni Derf ang pinto...
Na iwang tulala si Japulo...

------
Ang mga nasa itaas ay pawang nangyayari sa kasalukuyan na dapat natin paghandaan. Hindi man perpekto ang aking pagkak-akwento o aking pagsulat ngunit alam nyo ang aking pinahihiwatig.

Minsan ang di pagkakaunawaan dinadaan sa ibang paraan... pero kailangan mong may dapat gampanan. Hindi maiiwasan ang di pagkakaunawaan.. pero sapat na ang aking nabasa

Tanong:
Bakit may mga taong hindi na iniisip ang nararamdaman ng iba?
Bakit may mga taong hindi masaya na nakikita nyang masaya ang pagsasama o ang relasyon ng mga kaibigan nya?
Bakit may mga taong Gustong maging magulo ang relasyon ng iba at di nalang tignan kung masaya sila sa karelasyon nila?
Mga tanong na mahirap minsan sagutin lalo't hindi mo alam ang dahilan...
Na sya mismo nagbibigay ng lamat sa pinagsamahan na akala mo'y wagas
Sabi nga sa huli... Ano pang gawin mo at ang desisyunan mo... walang sisihan...

BERTO
19.12.2012

Monday, September 24, 2012

Idlip - ITAY!



Mula sa pagbaba ko ng bus ng "Crow Transit" (Biyaheng Edsa to Balanga Bataan) galing ng San Fernando, Pampanga. Kasunod ko ang tatay ko sa likod. Binagtas namin ang Taft Ave. hanggang makarating kami ng Likod ng Baclaran Church. Minsan talaga tumatama ang kalungkutan sa buhay. Bigla bigla na lamang dadalaw sa iyo. Hindi mo naman iniisip ngunit bigla nalang dumadating. Naka idlip ako at sa aking pagkaka idlip...

Friday, August 24, 2012

TSINELAS


kapag nagMahal ka,
pangatawanan mo!
patunayan mong karapatdapat ka
sa nakaHilerang mga binibenta.

Wednesday, August 15, 2012

The MELODY Of LOVE -Thai Movie (no english subtitle





Its a Thailand Movie without English Subtitle...
Hindi ko man naintindihan ang kanilang salita pero ewan ko ba parang kung anong magneto na inumpisahan ko at tinapos ko at siguradong tinamaan ako at maaring matatamaan din kayo.