"Cellphone"
By WOF
Lungkot ko ngayong gabi
Sa mga narinig at kanilang nasabi
Trabaho nila’y nahinto
Bigla naman utak ko’y nalito
Minsan lamang silang nasilayan
Sa Industrial doon ko lang sila namalayan
Simpleng tawa, simpleng tuwa
Nagkita-kita na may kung anong saya
Araw at Buwan ay lumipas
Maraming karanasan na umalpas
Mga iba ay kailangan ng umalis
Lungkot sana ay biglang tumalilis
Hindi naman ganun ka dikit
Pero kung anong parang nakakapit
Marahil dahil kapatid ko sa balikat
Kaya ganito na lang na parang pilat
Ayaw ko ng ganitong nararamdaman
Hindi makatulog na parang may karamdaman
Diwa ko’y gising kahit mata’y pikit
Sila pa rin ang nasa isip kong pilit
=(
FRMG ROB
