A bit of me

I am "NF ROB" writing and reading are my drugs. I can block the whole world when I do both and I have an element of craziness in my mind, in the end, all artists have that element. It's the fountain of our creativity. It's the reason we feel like we fly away when our craft starts to direct itself on the paper... show ur inner thought....

sa tagalog....

Ako ay si "NF ROB" at ako ay magaling umakyat ng mora,magpanganlin ng bayawak,manguha ng parensukit, bag-ang alo, puso-pusoan at bag ang usa. Kayang maglakad papuntang balungay via kalusan habang nangunguha ng tagbak amayit at kibal. Marunong ding mag-ihaw ng rimas at araro. Ganun di ang mag bitag ng labuyo, musang at alimos. Marunong ding manihi, mamangkalan, bugitis at kukung kabayo. Mahilig ding kumain ng sahang, kibit, balatan, at tibangka. Paboritong kong isda ay mungit, pakoy tang iban, tampal puke at baol baulan. Marunong ding manapon, mamaktaw, mag kitang at mamana ng talusak, buragta at padot, paborito mag langoy sa buhang, kalibon at maputi. Magaling ding mamatda ng bukwit, taray taray tuririyak at manok manokan. Marunong ding mamugad ng tikling, tsubak, tubtub at lagaran. marunong ding umakyat yng kayabing, pilig at pilaway. Marunong ding manguway ng limuran , taliktik, at palasan.


Isang uripon na lumalaban ayon sa karapatan at di tumitingala sa mga maharlikang ganid sa kapangyarihang mula sa utak ng manlililok.
Marunong din ako tumaya ng lotto at nagpapake sa Binggo ang magpusoy, tong it's. Kumikilala at sumasaludo sa matatapang na makalumang sota,oros, kopas, espada at bastos

Hindi tumitingin sa salamin dahil sa hintatakot ng mga maharlika kong balahibo,,,

Friday, January 5, 2018

HILING SA BUWAN NG BUKANG LIWAYWAY


Hiling ko lang sa buwan ng bukang liwayway
Sa isang puso na sa akin ay kanyang inalay
Na syang nagdulot ng aking kasiyahan
Sa damdaming binigyan ng kaligayahan

Hindi ako perpekto bilang ako
May pagkakamali din naman dahil ako'y tao
May mga dahilan na di maintindihan
Sana'y paliwanag ko ay kanyang maintindihan

Nais ko lamang iparamdam ang pag-a-alala
Nasa bawat kanyang paglakbay na ako'y kasama
Presensya ko man sa kanya ako'y liban sa paningin
Ramdam sana ang pag-aaruga mula haplos ng hangin


Mah Mah
Mahal po kita
Hiling sa buwan ng bukang liwayway
Na ikaw ay muling makasama

Monday, January 1, 2018

LARO-LARONG PUSO


My first OBRA January 01, 2018

LARO-LARONG PUSO
by NF ROB
 
Sa daming laro ng mundo… kapag nagwagi ka ikaw ay sikat… kapag talo ka may kasamang tawa at panlalait… Lahat siguro nakaka-alam ng larong ito.. kung paano ipasa… kung paano paikutin… kung paano pi-ke-in
Kasama sa paglalaro nito ang pisikal at mentalidad na kahandaan… na sa bawat sabak mo kailangan mong may panghawakan… kailangan mong opensa lalo na ang depensahan… kakailanganan mo din ng determinasyon, pasensya at tiyaga.  Kapag pagod dapat magsabi… kung naiipit.. may option… at pag-iintindi. May mga violation o terminolohiya sa larong ito… na sa bawat paglalaro mo ay may kaakibat na dalang pangalan sa buong katauhan… parang Larong basketball… ang LARO LARONG PUSO…