mula kay WOF
created April 27, 2007.
(True to life story na gawa ko Roberto"FRMG ROB" Policarpio)
Mahal mo ba tatay mo?.. Minahal ka ba ng tatay mo?
Madami pang tanong iba"t ibang sitwasyon sa bawat isa na nararanasan natin sa
piling ng ating mga taytay. Kung ako tatanungin, eto ang sagot ko “Mahal na
Mahal pala ako ng tatay ko!"
Huli na ng maramdaman ko yun after Graduate. Kasalanan ko rin namin dulot ko
sakit ng ulo at sama ng loob kaya naging strikto si erpat sa akin. Simula ng
ako'y tumuntong ng Haiskul puro patawag sa Guidance Office akala nila
masasabitan ako ng medalya eh puros sermon ang inaabot.
Pag uwi ng bahay walang kibuan ipagpapatuloy ni erpat ang kanyang naudlot na
pagluluto (kusinero si erpat). Magbabalot na lang ng mga ulam at mga ibang
paninda, ilalagay sa Basket at malaking kaserola at aalis na di ako isasama.
Alam ko yun galit si erpat sa akin syempre tuwang tuwa namn ako dahil di ako
makakasama sa pagtitinda.
Siguro dahil nagsawa na ako nagsawa ako sa pagiging mahirap. Ang tumira sa
isang Looban (diko alam kung masasabing squatter) na mga kapit bahay ay
tsismosa, bungangera, mga sugarol at adik. Minsan nagtanong ako sa sarili ko
“Tay bat ba tayo mahirap? bat ba kailangan tayong magtinda?. Naiingit ako sa mga
ibang bata na imbes makasama ko sa kanilang paglalaro eh hindi kundi isasama ako
sa pagtitinda.
Share ko lang ito Grades school at High School Graduation walang magulang na
pumunta sa pagtatapos ko (kakaingit sa mga ibang friend mo dahil kumpleto sila
at sinasalubong sila ng yakap at halik ako wala) eh kasi kailangan kasi nila
magtinda para may kita. So dumating ang pagtatapos ko ng College it was March
24, 1997 as usual wala sila sanay nako at di namn sila naghahanda pag ganung
okasyon. Kaya sumama ako sa mga ibang barkada para mag celebrate.
March 25, 1997 at 3 AM in the morning umuwi ako galing sa kasiyahan. Nagtaka
ako sa labas bat bukas pa ang ilaw sa ibaba. Binuksan ko ang pinto (may sarili
akong susi) Nabigla ako at napa luha nakita ko ang tatay naka higa sa mahabang
bangko at ang mga niluto andoon ibat ibang putahe. hindi nila ginalaw hindi sila
kumain hanggat di ako dumating. Mula sa itaas ang nanay bumaba tanong “Bat
ngayon ka lang?" habang nangingilid ang luha nya. Suot ko pa rin ang toga ko at
may luha nakatiningin kay Tatay. Ang tatay ko nagising at napatayo bigla deretso
sa lababo at para kumuha ng pinggan. wala kong nagawa kundi lumapit sa kanya at
yumakap at humingi ng tawad. Ito ang di ko makakalimutan na sinabi nya sa akin
“Bat umiiyak ka? Graduate ka na Roberto... Malaya ka na.. Kung ano man ang gusto
mong gawin sa buhay mo ngayon nasa sa iyo na yan.. may diploma ka na" sabay
talikod at alam kong nagpunas din sya ng luha.
Simula noon di na kami masyadong nagkakabanggaan dahil alam ko na ang dahilan
kung bakit naging istrikto sya sa akin.
Ng una nyang masilayan ang kanyang apo tuwang tuwa sya pero kailangan kong
mangibang bansa sa pagalis ko parang ayaw kong humiwalay sa pagkakayap sa erpat
ko. at ito naman ang pinakamahalaga at huling naging bilin nya sa akin
“Patawarin mo ako sa mga hirap na naranasan mo sa akin sana man lang sa paglaki
ng apo ko at susunod pang mga apo wag mong ipararanas ang mga naranasan mo sa
piling namin ng nanay mo, baka di narin tayo magkita pagbalik mo. Alam mong
palala na rin ang sakit ko. Wala na akong masabi noon kundi “Tay hintayin nyo
ang pagbabalik ko at hintayin nyo pagbibinata ng apo nyo".
Nang nasa Saudi ko hanggat maari ayaw kong tumawag kina tatay at nanay.
Nauubos at nasasayang lang ang tawag sa telepono dahil kakaiyak. April 2, 2000
huling pag-uusap namin ni erpat birthday ng utol kong babae. Nakausap ko uliti
si erpat“Kailan ka ba uuwi??? tanong nya.." baka huling pagluluto ko na ito sa
bday ng kapatid mo nanghihina nako anak. Mahal na mahal ko kayong dalawa ng
kapatid mo... sa sinabi nyang yun napahagulgol ako ng iyak sa telepono. Mga
nakatingin ibang lahi mga pinoy at pati arabong nagmamanage ng Call Cabine sa
Saudi. Nasabi ko lang kay erpat“Tay, uuwi ako ng August at ipagluluto nyo pa ako
sa Bday ko sa unang pagkakataon"
April 27, 2000 - 8:00 tumingin ako sa kalendaryo at sinabi “Yes! ilang buwan
nalang uuwi na ako." napangiti ako. ika 10:00 ng umaga sa trabaho may tawag ako
mula sa pinas Ang nanay.. sa pagsagot ko ng "Hello Nay" pigil na hikbi na ng
aking Inay ang narinig ko at sinabing "Wala na si tatay... hanggan umi-iyak na
sa kabilang linya" Pinaramdam kong matatag ako at tanggap ko "Nay wala na tayong
magagawa hanggang diyan nalang si tatay Lakasan nyo loob nyo...Ok lang ako
dito... uuwi ako mag reresign ako today para maka uwi agad ako...
Ng matapaos ang pag-uusap tulala ako...nakatingin ang mga kasamahan kong mga
pinoy sa akin. sa isang sulok sa warehouse at umupo ako.. nakatingin sa kawalan
at iniisip si erpat at simulang tumulo ang aking luha parang di ko matanggap na
pumanaw na sya. “Ang daya mo tay, di mo ko hinintay na makauwi ako sa august
dahil yun lang ang bday ko na ipagluluto mo ako at di mo na din makikitang
magbibinata ang apo mo."
Sa pag-uwi ko mas pinakita kong matatag ako.. ayaw kong ipakita sa nanay ko
na iiyak ako.. na nanghihina na makita ko ang tatay ko na makakasama ko nalang
ng tatlong araw ngunit diko na makakausap. Doon ko nalaman kung gaano kahalaga
ang isan“AMA" sa buhay. Mahirap sa una hanggang ngayon medyo sariwa pa.
May bagay ako mula sa erpat ko na hanggang ngayon ay dala ko. Isang isang
pares na sapatos. Ang“Huling Sapatos at isang“Polo" nya na hanggang ngayon dala
ko dito sa U.A.E.. 7 taong pangungulila ko sa“AMA" Weird bah? Eto kasi ang
sapatos na binili nya sa akin at polo na minsan ginagamit nya. Di ko na rin
sinusuot. Ilang tahi na ba ang sapatos na ito hehehe ilang palit na ba ng
swelas??? di ko na matandaan.
Haaayyyyyyyyyyyy ako ay mga supling narin. Mas malaki ang pagkukulang ko sa
kanila kesa pagkukulang ng tatay ko sa akin Hindi sapat ang telepono at sa loob
ng 10 Taon na pag aabroad 3 beses ko palang sila nakikita nakakausap nalalambing
ng personal. Sa totoo lang ayaw ko na ring lumabas ng bansa ngunit may pangako
ako sa tatay ko na di ko pararanas sa kanila ang naranasan kong paghihirap.
Nahihirapan din namn ako naiingit ako sa mga kaibigan ko na may mga anak dito
sa U.A.E. mga inaanak ko. Na mimiss ko mga anak ko Mahal ba nila ako???
Ikaw mahal mo ba tatay mo???
ika pitong taon pangungulila ko sa erpat ko ngayong araw na ito
WOF
(repost ko lang. Sa darating na April 27... ika-9 na taong pangungulila ko na
sa aking "Ama" hope you like it)
ref:
http://www.pinoytambaygroup.com/index.php/topic,61784.10.html
http://pinoylifestories.blogspot.com/2010/11/7-taong-pangungulila-sa-ama.html