Sa buhay minsan tayo ay nasasaktan
Kalungkulatan ang bumabalot
Na halos di mo na matandaan
Mula ng isilang at sa ating kamusmusan
Pagbibinata/pagdadalaga natin
May mga hapdi tayong nararamdaman
Tugon minsan sa inyong habas na tanong
Mga kutya nyo na kahit hindi nyo alam
At manghusga kahit walang Basehan
Tumatawa man ako at Masaya sa paningin nyo
Binibiro nyo man ako at na may panglalait
Kimkim lamang ang sagot sa pusong may hinanakit
Hindi pa ba sapat ang pag lagpak ko?
Hindi pa ba Masaya na marumi ako at malinis kayo?
Hindi ba sapat na manahimik kayo na kung anong meron ako ay
wag ng ipagkalat pa?
Alam nyo ba kung anong meron talaga?
Hindi ba kumpleto ang araw nyo kung walang tsismis do maitatago?
O sadyang di lang kayo kuntento kung walang bahid na ibato?
Ano bang meron sa nakaraan ko na kailangan malaman mo?
