A bit of me

I am "NF ROB" writing and reading are my drugs. I can block the whole world when I do both and I have an element of craziness in my mind, in the end, all artists have that element. It's the fountain of our creativity. It's the reason we feel like we fly away when our craft starts to direct itself on the paper... show ur inner thought....

sa tagalog....

Ako ay si "NF ROB" at ako ay magaling umakyat ng mora,magpanganlin ng bayawak,manguha ng parensukit, bag-ang alo, puso-pusoan at bag ang usa. Kayang maglakad papuntang balungay via kalusan habang nangunguha ng tagbak amayit at kibal. Marunong ding mag-ihaw ng rimas at araro. Ganun di ang mag bitag ng labuyo, musang at alimos. Marunong ding manihi, mamangkalan, bugitis at kukung kabayo. Mahilig ding kumain ng sahang, kibit, balatan, at tibangka. Paboritong kong isda ay mungit, pakoy tang iban, tampal puke at baol baulan. Marunong ding manapon, mamaktaw, mag kitang at mamana ng talusak, buragta at padot, paborito mag langoy sa buhang, kalibon at maputi. Magaling ding mamatda ng bukwit, taray taray tuririyak at manok manokan. Marunong ding mamugad ng tikling, tsubak, tubtub at lagaran. marunong ding umakyat yng kayabing, pilig at pilaway. Marunong ding manguway ng limuran , taliktik, at palasan.


Isang uripon na lumalaban ayon sa karapatan at di tumitingala sa mga maharlikang ganid sa kapangyarihang mula sa utak ng manlililok.
Marunong din ako tumaya ng lotto at nagpapake sa Binggo ang magpusoy, tong it's. Kumikilala at sumasaludo sa matatapang na makalumang sota,oros, kopas, espada at bastos

Hindi tumitingin sa salamin dahil sa hintatakot ng mga maharlika kong balahibo,,,

Sunday, January 24, 2016

Tanong



Kapag umiiyak ako…  naka tingin ka lang at di mo man lang ako magawang hagkan... tanong kung bakit?

Kapag nakikiusap ako hindi mo ako makuhang pakinggan tanong kung bakit?

Kapag kailangan kita at hinahanap wala ka… tanong ko lang kung bakit?

Kapag may diskusyunan kami kahit  mali … sila pa rin ang tama sa Paningin mo… tanong kolang kung bakit?

Kapag kinakausap kita ng malumanay…  pa bulyaw ang sagot mo… tanong ko lang kung bakit?

Tanong ko lang… bakit ka nagbago at di na tulad ng dati???

Wednesday, January 6, 2016

S A L A M A T


Kamusta ka? Na kakamiss din pala na minsan ay inaaway mo ako na di ko alam ang dahilan. Alam kong ikaw lang naman ang nakakakilala sa akin. Ano pala ang ginagawa mo?

Ang laki ng panghihinayang ko lalo’t di na kita kasama araw-araw. Ang hirap din palang iwanan ka pero kailangan. Isang tao na minahal na ngayon ay wala sa aking tabi. Sa totoo lang hindi kita makalimutan na sana balang araw ay muling magkasalubong ang landas natin. 

I feel painful and i can't forget your grumbling that you did many times a day . Ang naging ngiti mo.. ang pagyakap mo ng mahigpit at huling halik na may patak na luha ng tayo ay maghiwalay. 

Hindi ko ipinakitang nanghina ako at nasasaktan ako pero kailangan kong tumalikod at itago ang luha ngunit pinigalan mo ako at muling hinarap at pinunasan ang aking munting butil na pagmamahal mula sa aking mga mata at sabay namutawi sa iyo ay salitang  “salamat” at muling yumakap at tuluyan kang tumalikod at nakatingin ako sa iyo na unti unti nilalamon ng iba't ibang taong dumadaan hanggang sa ikaw ay mawala… nakatingin na lamang ako sa eroplano na kung saan ikaw ay lulan...

munting salita din mula sa akin na "Salamat"…



( Ang aking munting Obra -  MF ROB)