A bit of me

I am "NF ROB" writing and reading are my drugs. I can block the whole world when I do both and I have an element of craziness in my mind, in the end, all artists have that element. It's the fountain of our creativity. It's the reason we feel like we fly away when our craft starts to direct itself on the paper... show ur inner thought....

sa tagalog....

Ako ay si "NF ROB" at ako ay magaling umakyat ng mora,magpanganlin ng bayawak,manguha ng parensukit, bag-ang alo, puso-pusoan at bag ang usa. Kayang maglakad papuntang balungay via kalusan habang nangunguha ng tagbak amayit at kibal. Marunong ding mag-ihaw ng rimas at araro. Ganun di ang mag bitag ng labuyo, musang at alimos. Marunong ding manihi, mamangkalan, bugitis at kukung kabayo. Mahilig ding kumain ng sahang, kibit, balatan, at tibangka. Paboritong kong isda ay mungit, pakoy tang iban, tampal puke at baol baulan. Marunong ding manapon, mamaktaw, mag kitang at mamana ng talusak, buragta at padot, paborito mag langoy sa buhang, kalibon at maputi. Magaling ding mamatda ng bukwit, taray taray tuririyak at manok manokan. Marunong ding mamugad ng tikling, tsubak, tubtub at lagaran. marunong ding umakyat yng kayabing, pilig at pilaway. Marunong ding manguway ng limuran , taliktik, at palasan.


Isang uripon na lumalaban ayon sa karapatan at di tumitingala sa mga maharlikang ganid sa kapangyarihang mula sa utak ng manlililok.
Marunong din ako tumaya ng lotto at nagpapake sa Binggo ang magpusoy, tong it's. Kumikilala at sumasaludo sa matatapang na makalumang sota,oros, kopas, espada at bastos

Hindi tumitingin sa salamin dahil sa hintatakot ng mga maharlika kong balahibo,,,

Tuesday, October 20, 2015

Biruan....





Biruan....
by Roberto "FRMG ROB" Policarpio
Isinulat noong March 11, 2013



Ang sarap nga naman makipagbiruan sa mga taong mahilig makisakay sayo, ang mahirap lang sa biruan eh minsan nahuhulog ang isa at patuloy na nagbibiro yung isa. Ang hirap ng ganun, tipong akala niya nag bibiro ka pa rin pero hindi na pala, ang dali mong sabihin na mahal mo sila dahil alam niya eh nagbibiro ka lang, kumbaga nakakagaan lang sa parte mo dahil nasasabi mo sa kanya ng walang hirap yung nais sabihin ng puso mo.

Bakit nga ba kasi minsan sineseryoso natin ang mga landian na walang patutunguhan na kahit alam naman natin na malabo at hindi talaga magkakatotoo sa darating na panahon, eh patuloy nating ipinagpapatuloy ang kagaguhan na ito. Dahil ba para itong skyflakes na pampalipas gutom? Isang vitamins para maging inspired parati na walang halong commitment? Maraming kumplikadong tanong.

Minsan talaga may pagkakataon na kahit alam mong landian, minsan iniisip mo totoo na lang, kasi naiisip mo na ” Nagawa niyo na eh, ayun na yun eh.. bakit hindi pa namin maituloy sa gusto naming pagmamahalan?” Bakit bawal kami? Friendzoned na naman ba? Sa gilid na naman ako? Waiting room ulet? Una ako sa pila tapos waiting Room?

Parang ganun na lang ang masasabi mo sa sarili mo eh.


WOF
"nakakamaga ng nerves"


note: WOF is my Screen DJ Name when i was ... =)

Ref:
https://www.facebook.com/pinoyradioonline/photos/a.264190480280602.69002.260546060645044/559681677398146/?type=3&theater

Tuesday, October 13, 2015

Wasak Na Asal



Wasak Na Asal
mula kay Frmg Rob

isinulat noong ika-10 ng Setyembre 2012



Sa pagbabalik tanaw
Ng aking kabataan
Diko dati maiintindihan
Damdamin bilang magulang

Sumasagot sa kanila
Minsan naka singhal pa
Naakala mo kung sino tayo
Parang kaya, sarili ay itayo

Wasak na asal
Na di makatwiran
Ngayon ko naramdaman
Pagkat akin ng nararanasan

Mapalad pa rin tayong mga pinoy
May maipagmamalaking Asal
Di tulad ng ibang kabataan sa Mid East
Karamihan ay may wasak na asal