Our-Crib.net « on: March 01, 2011, 12:41:06 PM » | Quote Modify Remove Split Topic |
hindi natin aakalain na sa mga simpleng bagay na ginagawa natin sa araw-araw... ay may mga taong napapangiti maliban sa mga bagay na nakakapagpasakit sa kanila...hindi mo inaasahan na mapapatawa mo sila kahit na hindi ka bihasa sa paggawa ng mga jokes o kaya naman hindi ka isang joker... pero ang mahalaga ay mapasaya man lang natin ang mga taong nakapaligid sa atin... Marami na sa atin ang nakakalimot ngumiti.. dahil na rin sa hirap ng buhay ngayon... para sa kanila ang buhay ay hindi isang laro... pero nakapaloob ka sa isang laro kung saan kailangan mo talaga lumaban at magsaya....
kaya nga hindi ko aakalain na marunong din pala akong magpasaya ng tao kahit seryoso ka sa mga ginagawa mo... katulad na lang ng mga kapalpakang nagagawa mo pero sa iba... ito ay daan para sila ay mapangiti man lang.... hindi masama pagtawanan ang iyong pagkakamali... bagkus masarap pa nga sa pakiramdam dahil may napasaya ka imbes na mahiya ka sa kapalpakang nagawa mo...
hindi mo kailangang magbasa ng mga joke book para mapasaya ang mga mahal mo sa buhay... sa simpleng bagay na iyong naitutulong sa kanila ay sapat na para sila ay ngumiti at gumaan man lang ang kanilang pakiramdam kahit panandalian lamang...
masarap maranasan iyon dahil mismo sa sarili mo... hindi mo aakalain na may mapapasaya ka kahit ganito ang buhay.....
magulo ngunit masaya...
Quote
Modify
Remove
Split Topic














