A bit of me

I am "NF ROB" writing and reading are my drugs. I can block the whole world when I do both and I have an element of craziness in my mind, in the end, all artists have that element. It's the fountain of our creativity. It's the reason we feel like we fly away when our craft starts to direct itself on the paper... show ur inner thought....

sa tagalog....

Ako ay si "NF ROB" at ako ay magaling umakyat ng mora,magpanganlin ng bayawak,manguha ng parensukit, bag-ang alo, puso-pusoan at bag ang usa. Kayang maglakad papuntang balungay via kalusan habang nangunguha ng tagbak amayit at kibal. Marunong ding mag-ihaw ng rimas at araro. Ganun di ang mag bitag ng labuyo, musang at alimos. Marunong ding manihi, mamangkalan, bugitis at kukung kabayo. Mahilig ding kumain ng sahang, kibit, balatan, at tibangka. Paboritong kong isda ay mungit, pakoy tang iban, tampal puke at baol baulan. Marunong ding manapon, mamaktaw, mag kitang at mamana ng talusak, buragta at padot, paborito mag langoy sa buhang, kalibon at maputi. Magaling ding mamatda ng bukwit, taray taray tuririyak at manok manokan. Marunong ding mamugad ng tikling, tsubak, tubtub at lagaran. marunong ding umakyat yng kayabing, pilig at pilaway. Marunong ding manguway ng limuran , taliktik, at palasan.


Isang uripon na lumalaban ayon sa karapatan at di tumitingala sa mga maharlikang ganid sa kapangyarihang mula sa utak ng manlililok.
Marunong din ako tumaya ng lotto at nagpapake sa Binggo ang magpusoy, tong it's. Kumikilala at sumasaludo sa matatapang na makalumang sota,oros, kopas, espada at bastos

Hindi tumitingin sa salamin dahil sa hintatakot ng mga maharlika kong balahibo,,,

Sunday, June 10, 2012

Ika Siam




Gusto kong Sumigaw
Marinig mo aking alingawngaw
Na malaman mo aking nararamdaman
Ngunit wala ng karapatan para magdamdam



Kala ko Ok na lahat
Di ko na mararamdaman ang lamat
Pero eto ngayon sariwa pa rin
Sabay lapat ng labi.. kagat ng ngipin

Nakatingin sa "laptop monitor"
Mga ngiti mo ay mino-monitor
Saya mo ngayon kakaiba
Puso ko naman parang ginigiba

Tumutulo ang luha
Sabay sa iyong tawa
Takip sa bibig dahil sayong halakhak
Sabay sakit sa pusong parang tinatarak

Aking iniisip na sana'y di na magising
Sa pagtulog ko na sana'y lasing
Paano ka aalisin.. hah! Sakit!
Karma ko na ang sinapit!?

Mahal na mahal kita
Basa mo yan sa aking mata
Pagmamahal ko sa iyong totoo
Pero pilit puso mo'y parang ginagawang bato

Nais ko sana'y muli kang mahawakan
Labi mo'y muling mahagkan
Yakapin kang muli at sabihan
"MAHAL KITA" na hindi magpaparam


Galit ko sa aking sarili
Ay napakahirap para ikubli
Bigat sa kalooban na king dinadala
Sana saking kamatayan ay madala

Inyo muna akong pagpasensyahan
At hindi kayo ginanahan
Dito ko lang ibinuhos
Sakit ng puso kong napadausdos

No comments:

Post a Comment