A bit of me
I am "NF ROB" writing and reading are my drugs. I can block the whole world when I do both and I have an element of craziness in my mind, in the end, all artists have that element. It's the fountain of our creativity. It's the reason we feel like we fly away when our craft starts to direct itself on the paper... show ur inner thought....
sa tagalog....
Ako ay si "NF ROB" at ako ay magaling umakyat ng mora,magpanganlin ng bayawak,manguha ng parensukit, bag-ang alo, puso-pusoan at bag ang usa. Kayang maglakad papuntang balungay via kalusan habang nangunguha ng tagbak amayit at kibal. Marunong ding mag-ihaw ng rimas at araro. Ganun di ang mag bitag ng labuyo, musang at alimos. Marunong ding manihi, mamangkalan, bugitis at kukung kabayo. Mahilig ding kumain ng sahang, kibit, balatan, at tibangka. Paboritong kong isda ay mungit, pakoy tang iban, tampal puke at baol baulan. Marunong ding manapon, mamaktaw, mag kitang at mamana ng talusak, buragta at padot, paborito mag langoy sa buhang, kalibon at maputi. Magaling ding mamatda ng bukwit, taray taray tuririyak at manok manokan. Marunong ding mamugad ng tikling, tsubak, tubtub at lagaran. marunong ding umakyat yng kayabing, pilig at pilaway. Marunong ding manguway ng limuran , taliktik, at palasan.
Isang uripon na lumalaban ayon sa karapatan at di tumitingala sa mga maharlikang ganid sa kapangyarihang mula sa utak ng manlililok.
Marunong din ako tumaya ng lotto at nagpapake sa Binggo ang magpusoy, tong it's. Kumikilala at sumasaludo sa matatapang na makalumang sota,oros, kopas, espada at bastos
Hindi tumitingin sa salamin dahil sa hintatakot ng mga maharlika kong balahibo,,,
Wednesday, August 15, 2012
The MELODY Of LOVE -Thai Movie (no english subtitle
Its a Thailand Movie without English Subtitle...
Hindi ko man naintindihan ang kanilang salita pero ewan ko ba parang kung anong magneto na inumpisahan ko at tinapos ko at siguradong tinamaan ako at maaring matatamaan din kayo.
Ang mga himig o musika ay may simula't katapusan. Binubuhay ito ng mga nota.
Bakit kaya karaniwan ng mga musika at inuulit ang pulutong ng kanta?
At ang mga Ritmo at mga inam ng tining ?
Para mas mabuhay ang kanta sinasamahan ito ng salita o kanta na kung saan nanggagaling mismo mula isipan... puso... at mga kamay na kung saan ito ay binubuo.
Hindi maaring walang mali... kailangan mong magbura o magdagdag... nasa mga pangyayari sa ibang tao... sa sariling emosyon. Ang kabuuan nito ay pagpapahalaga sa mga taong nakapalibot sa atin. Mga nagmamahal at minamahal natin.
Tayo ang nagsisilbing Nota sa ating buhay. Ang mga pulutong ng kanta ay ang mga nangyayari paulit ulit sa atin. Ang ritmo at mga tining ay nag sisilbing emosyon natin sa iba... sa sarili.
Ang salita o kanta ang ating pakikisalamuha sa iba. Sa bawat araw na dumadaan sa ating buhay may nababawas may nadadagdag. May mga taong mawawala at may taong darating. Hanggat andyan ang mga mahal natin sa buhay ibigay natin ang pitak sa bawat araw na kasama natin sila. Pitak na hanggang sa huli... hanggang sa ala-ala may iiwanan ka.
Ang kanta ay may simula't katapusan din tulad ng buhay natin.
argghhhh pass 12 na pala... ako'y matutulog na =)
WOF
"not perfect but real"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment