PAANO ?
paano mo nasabing mahal mo na ang isang tao ? hmmn .
"subukan mong tingnan yung mukha niya ng matagal ng hindi niya alam . tapos pakiramadaman mo yung sarili mo kung anu yung nararamdaman mo sa taong tinitigan mo siya , kung natutuwa ka at nageenjoy ka habang tinitingnan mo siya , may something dun .subukan mong iwasan siya , kung hinahanap hanap mo siya pag wala siya , ibig sabihin importante siya sayo . tapos kapag nagalit ka kapag nakita mo siyang may kasamang iba , ibig sabihin nagseselos ka . mahal mo yung taong yun kaya natatakot kang maagaw siya ng iba .at isa pa , kapag lagi mo siyang iniisip kahit minsan ayaw mo na nga siyang isipin pero naiisip mo pa din , iba na yan pag ganyan"
Paano mo nga ba masasabing mahal mo ang isang tao? ayon sa iba? sa totoo lang mahirap masabing mahal mo ang isang tao kahit lalaki,bakla,tomboy,babae o kht ano pa yan, hindi mo basta-bastang masasagot ang tanong na yan dahil mahirap ito ipaliwanag pero madali lang din ba itong ipakita? yun ang naglalaro sa aking isipan kaya naisip gawin ang blog na ito para nadin maliwanagan tayo kung ano ba talaga? mahal mo o hindi
nagtanong ako sa mga kaibigan dahil hindi lang naman ako ang nakakaalam niyan...eto ang sabi nila...
masasabing mo bang mahal mo ang isang tao kapag?
Pag magkasama kayo, kahit wala kayong ginagawa, kahit hindi kayo nag-uusap, kahit magkatabi lang,kontento ka na?
Pag kaya mong magtiis para sakanya?
O baka naman kapag inaalala mo sya, gusto mo syang makasama, gusto mo sya kausap palage, gusto mo safe sya, gusto mo walang mangyayaring masama sa kanya, gusto mo ayus lahat ng mangyayare pag kasama mo sya, gusto mo walang problema pag anjan sya?
At kapag lahat ng bagay ginawa mo para mapasaya mo siya , kahit alam mong mali gagawin mo, =)) kasi gnun mo siya kamahal, kahit sabihan ka ng iba, khit ligawan ka ng iba, siya pa rin iniisip mo hehehe..
yung seryoso? hmm.. sa mga pinapakita nya seo dre, the way she act on your simple jokes kung masyado cyang worried pag d ka nia nakikita or d k man lang nagtext s knya.. kung pno cya mag care sa inyong dalawa..
Or when you change literally because of the person you love?
eto ung sagot na pumukaw sakin "you change literally" nakakatakot mang aminin pero totoo aminado ako
naramdaman ko yun unti-unti akong nagbago dahil sa lintik na pag-ibig na yan, eto ba yung sinasabing nilang
pagibig, kung titignan natin ang mga bagay-bagay masasabi mo na ba sa sarili mo na mahal mo na ang isang tao? hindi purkit lagi kayong magkasama kayo na, mali un especially sating mga lalaki namimisinterpret natin ung mga babae ganun talaga ang nature ng mga babae malambing pero moody, tayong namang mga lalaki syempre maiinlove na pero pag sinabi natin sa girl ung nararamdaman natin dun sila iiwas at dun tayo masasaktan kahit anong gawin mo pag may nakita kang may iba siyang kasama sigurado kahit pangit pa yan magseselos ka yan kadalasan ang nangyayari sa mga lalaking assuming.
hindi mo kami masisising mga lalaki kasi, ganun kami eh gusto lang namin magmahal at gusto din naming mahalin kami, kaya naman kaming mga lalaki pag nagmahal siguradong lahat gagawin niyan mapasaya ka lang pero ewan ko ba bakit ganun, kahit mag effort pa tayo ng sobra-sobra yung tipong nakakalimutan mo na yung mga kaibigan mo makasama lang ang taong mahal mo, at darating tayo sa punto na umaasa kahit alam naman nating hindi tayo gusto ng babaeng nililigawan natin, so ang ending malungkot si lalaki kasi umasa siya eh, may kasabihan tayong wag mo na ipilit kasi masakit..
hindi ito madaling sabihin at hindi din ito madaling gawin bakit nga ba?
masasabi mo bang mahal mo ito kapag iniyakan mo siya, kapag lagi kayong magkasama o kapag matagal mo na siyang kasama o dahil kababata mo siya, pwede nating gawing batayan ung mga ganung bagay hindi natin masasabi kasi bigla na lang yang darating kahit ayaw mo bigla ka nalang tatamaan para bang ligaw na bala, mapapansin mo na lang na yung ugali mo magbabago pisikal man o mental, kasi nagmamahal kana.
ano ba talaga ang mga pangunahing dahilan? kung pano natin masasabing mahal natin ang isang tao?
ako hindi ko din alam, mahirap ipaliwanag kahit sa mga nasulat ko hindi pa rin ito batayan para masabing mahal mo ang isang tao, kung ako ang tatanungin simple lang ang sagot ko "Dahil mahal mo" kaya ko nasulat tong blog na to para sa isang espesyal na tao, inspirasyon ko siya araw man o gabi, tulog man ako o hindi, umaraw man o umulan inspired ako.
seriously... tinamaan ako sa kanya ng sobra-sobra ewan ko ba kung ano ginawa niya sakin, dumating nalang ako sa point na gusto ko lagi siyang safe at hindi nasasaktan, yung hindi nalilipasan ng gutom, at laging masaya, dumating yung time na inamin ko yung nararamdaman ko para sa kanya at syempre sumagot siya ang sabi niya...... "natatakot na ko magmahal at gusto ko munang magpahinga" bigla kong nalungkot dahil dun dapat pala hindi ko nalang sinabi sa kanya pero nangyari na eh nasabi ko na, hindi na pwede irewind yun, masakit para sakin na marinig yung ganung sagot pero syempre nagmamahal ako eh kaya kahit ganun inaccept ko wala naman akong magagawa kundi magintay, hindi ko din siya maiwanan ewan ko ba kung bakit.
Overfatigue sa pagibig !!!...




