Hiling ko lang sa buwan ng bukang liwayway
Sa isang puso na sa akin ay kanyang inalay
Na syang nagdulot ng aking kasiyahan
Sa damdaming binigyan ng kaligayahan
Hindi ako perpekto bilang ako
May pagkakamali din naman dahil ako'y tao
May mga dahilan na di maintindihan
Sana'y paliwanag ko ay kanyang maintindihan
Nais ko lamang iparamdam ang pag-a-alala
Nasa bawat kanyang paglakbay na ako'y kasama
Presensya ko man sa kanya ako'y liban sa paningin
Ramdam sana ang pag-aaruga mula haplos ng hangin
Mah Mah
Mahal po kita
Hiling sa buwan ng bukang liwayway
Na ikaw ay muling makasama






