A bit of me
I am "NF ROB" writing and reading are my drugs. I can block the whole world when I do both and I have an element of craziness in my mind, in the end, all artists have that element. It's the fountain of our creativity. It's the reason we feel like we fly away when our craft starts to direct itself on the paper... show ur inner thought....
sa tagalog....
Ako ay si "NF ROB" at ako ay magaling umakyat ng mora,magpanganlin ng bayawak,manguha ng parensukit, bag-ang alo, puso-pusoan at bag ang usa. Kayang maglakad papuntang balungay via kalusan habang nangunguha ng tagbak amayit at kibal. Marunong ding mag-ihaw ng rimas at araro. Ganun di ang mag bitag ng labuyo, musang at alimos. Marunong ding manihi, mamangkalan, bugitis at kukung kabayo. Mahilig ding kumain ng sahang, kibit, balatan, at tibangka. Paboritong kong isda ay mungit, pakoy tang iban, tampal puke at baol baulan. Marunong ding manapon, mamaktaw, mag kitang at mamana ng talusak, buragta at padot, paborito mag langoy sa buhang, kalibon at maputi. Magaling ding mamatda ng bukwit, taray taray tuririyak at manok manokan. Marunong ding mamugad ng tikling, tsubak, tubtub at lagaran. marunong ding umakyat yng kayabing, pilig at pilaway. Marunong ding manguway ng limuran , taliktik, at palasan.
Isang uripon na lumalaban ayon sa karapatan at di tumitingala sa mga maharlikang ganid sa kapangyarihang mula sa utak ng manlililok.
Marunong din ako tumaya ng lotto at nagpapake sa Binggo ang magpusoy, tong it's. Kumikilala at sumasaludo sa matatapang na makalumang sota,oros, kopas, espada at bastos
Hindi tumitingin sa salamin dahil sa hintatakot ng mga maharlika kong balahibo,,,
Wednesday, May 23, 2012
CT Scan
May 21, 2012
Ito ang araw ng aking "CT Scan"
At sa hospital ng "Hamad" aking nasaksihan
Ito ang kauna-unahan sa aking buhay
Naranasan na may pag ka-lumbay
Sa aking pag pasok ako'y naaliw
Sa mga kabayang Nurse salubong na may giliw
"kumusta na kabayan" bungad na bati sa akin
"mabuti naman po" tugon ko na may pagkamahiyain
Ginayak na... mga gamit na kakailanganin
Kasabay ng paglalambot pagka't walang kain
Hiringilya na kinakatakutan ko akin na namang napansin
Nakakainis ngunit kailalangan kahit di naisin
Proseso ay naumpisahan
Kung anong umiikot sa king katawan
Dumating ang oras ng katapusan
Pinakawalan na... na parang pinosasan
Hindi ko pa rin alam kung anong nilalalaman
Sa pagsusuri sa aking katawan
Akin na lamang aabangan
Sa susunod pang check up na pahahalagahan...
Labels:
poem
Location:
11 Haloul St, Doha, Qatar
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


sana brad maganda ang resulta ng CT scan
ReplyDelete