A bit of me

I am "NF ROB" writing and reading are my drugs. I can block the whole world when I do both and I have an element of craziness in my mind, in the end, all artists have that element. It's the fountain of our creativity. It's the reason we feel like we fly away when our craft starts to direct itself on the paper... show ur inner thought....

sa tagalog....

Ako ay si "NF ROB" at ako ay magaling umakyat ng mora,magpanganlin ng bayawak,manguha ng parensukit, bag-ang alo, puso-pusoan at bag ang usa. Kayang maglakad papuntang balungay via kalusan habang nangunguha ng tagbak amayit at kibal. Marunong ding mag-ihaw ng rimas at araro. Ganun di ang mag bitag ng labuyo, musang at alimos. Marunong ding manihi, mamangkalan, bugitis at kukung kabayo. Mahilig ding kumain ng sahang, kibit, balatan, at tibangka. Paboritong kong isda ay mungit, pakoy tang iban, tampal puke at baol baulan. Marunong ding manapon, mamaktaw, mag kitang at mamana ng talusak, buragta at padot, paborito mag langoy sa buhang, kalibon at maputi. Magaling ding mamatda ng bukwit, taray taray tuririyak at manok manokan. Marunong ding mamugad ng tikling, tsubak, tubtub at lagaran. marunong ding umakyat yng kayabing, pilig at pilaway. Marunong ding manguway ng limuran , taliktik, at palasan.


Isang uripon na lumalaban ayon sa karapatan at di tumitingala sa mga maharlikang ganid sa kapangyarihang mula sa utak ng manlililok.
Marunong din ako tumaya ng lotto at nagpapake sa Binggo ang magpusoy, tong it's. Kumikilala at sumasaludo sa matatapang na makalumang sota,oros, kopas, espada at bastos

Hindi tumitingin sa salamin dahil sa hintatakot ng mga maharlika kong balahibo,,,

Wednesday, March 16, 2016

Pagmamatnugot (Editing)


Editing o Pagmamatnunog - ayon sa WIKIPEDIA Ang pamamatnugot ay ang proseso ng pagpili at paghahanda ng wika, mga larawan o imahen, tunog, bidyo, o pelikula sa pamamagitan ng mga proseso ng pagtatama o pagwawasto, organisasyon, at iba pang mga modipikasyon o pagbabago sa sari-saring mga midya. Tinatawag na patnugot o editor ang isang taong namamatnugot. Sa isang diwa, nagmumula ang proseso ng pamamatnugot sa ideya para sa mismong akda at nagpapatuloy sa ugnayang nasa pagitan ng may-akda at ng patnugot. Sa gayon, isa ring pagsasagawa ang pamamatnugot na kinabibilangan ng malikhaing mga kasanayan, ugnayang pantao, at isang malinaw o tumpak na pangkat ng mga metodo o kaparaanan. Sa larangan ng pamamahayag, ang patnugot ay isang tagasulat ng pangulong tudling o editoryal. Maaari rin itong tumukoy sa isang kasangkapang pamutol o pang-edit ng pelikula....

Nangyayari naman ito sa tunay na buhay hindi lamang sa pelikula kundi mula sa katauhan natin... Editing para sa akin is "all about giving up". Whenever there is something good or better... you pick the one that's better. You just give up the good one cuz u cant have everything. Kung pipiliin mo ang good at ang better... you can end up losing it all.  (Just think of it)

Bleeding Heart


Love is done alone
What left is tears
Love sometimes stupid
Love sometimes useless


Please don’t forget the happiness
And some of memories we had
You make me crazy of you
You make me cry


I feel I can catch it
Like the wind passes by...

Mine...




Feel your pain, you feel mine.... If i can see you again in my past memories and looking you even I am in pain, i will call you silently... a mum of love without changes... praying woo with you...   

Sunday, January 24, 2016

Tanong



Kapag umiiyak ako…  naka tingin ka lang at di mo man lang ako magawang hagkan... tanong kung bakit?

Kapag nakikiusap ako hindi mo ako makuhang pakinggan tanong kung bakit?

Kapag kailangan kita at hinahanap wala ka… tanong ko lang kung bakit?

Kapag may diskusyunan kami kahit  mali … sila pa rin ang tama sa Paningin mo… tanong kolang kung bakit?

Kapag kinakausap kita ng malumanay…  pa bulyaw ang sagot mo… tanong ko lang kung bakit?

Tanong ko lang… bakit ka nagbago at di na tulad ng dati???

Wednesday, January 6, 2016

S A L A M A T


Kamusta ka? Na kakamiss din pala na minsan ay inaaway mo ako na di ko alam ang dahilan. Alam kong ikaw lang naman ang nakakakilala sa akin. Ano pala ang ginagawa mo?

Ang laki ng panghihinayang ko lalo’t di na kita kasama araw-araw. Ang hirap din palang iwanan ka pero kailangan. Isang tao na minahal na ngayon ay wala sa aking tabi. Sa totoo lang hindi kita makalimutan na sana balang araw ay muling magkasalubong ang landas natin. 

I feel painful and i can't forget your grumbling that you did many times a day . Ang naging ngiti mo.. ang pagyakap mo ng mahigpit at huling halik na may patak na luha ng tayo ay maghiwalay. 

Hindi ko ipinakitang nanghina ako at nasasaktan ako pero kailangan kong tumalikod at itago ang luha ngunit pinigalan mo ako at muling hinarap at pinunasan ang aking munting butil na pagmamahal mula sa aking mga mata at sabay namutawi sa iyo ay salitang  “salamat” at muling yumakap at tuluyan kang tumalikod at nakatingin ako sa iyo na unti unti nilalamon ng iba't ibang taong dumadaan hanggang sa ikaw ay mawala… nakatingin na lamang ako sa eroplano na kung saan ikaw ay lulan...

munting salita din mula sa akin na "Salamat"…



( Ang aking munting Obra -  MF ROB) 

Saturday, December 12, 2015

Yapos





Nakikinig kapa ba sa tibok ng puso ko?
O nakatingin sa luha ng aking mga mata??
Isa lang naman ang nais kong makasama
Kundi ikaw..

Bakit mo ba ako iniiwasan?
Bakit ka ba lumalayo?
Maari mo bang hawakan ang aking mga kamay?
Pakiramdaman ko lang naman kung mahal mo pa rin ako…

Bat nababaliw ako sa iyo?
Bat mo ako pinapaiyak ng ganito?
Andito ka na sa tabi ko
Pero parang hangin ka lamang na kasama ko…

AKo lamang ata ang nagmamahal
Luha lang ng minamahal
Isang walang kwentang pagmamahal?

Maari ba kitang yakapin?
Isang yapos ng pag-papaalam…
Huwag mong kalimutan ang masasaya nating nakaraan
Mahal kita kaya dapat na kitang pakawalan

Kung dumating man oras na magkita tayong muli
At nais mong bumalik sa akin
Tamang panahon lang ang makakasagot
Kung talagang ikaw ay nararapat sa akin

Tuesday, October 20, 2015

Biruan....





Biruan....
by Roberto "FRMG ROB" Policarpio
Isinulat noong March 11, 2013



Ang sarap nga naman makipagbiruan sa mga taong mahilig makisakay sayo, ang mahirap lang sa biruan eh minsan nahuhulog ang isa at patuloy na nagbibiro yung isa. Ang hirap ng ganun, tipong akala niya nag bibiro ka pa rin pero hindi na pala, ang dali mong sabihin na mahal mo sila dahil alam niya eh nagbibiro ka lang, kumbaga nakakagaan lang sa parte mo dahil nasasabi mo sa kanya ng walang hirap yung nais sabihin ng puso mo.

Bakit nga ba kasi minsan sineseryoso natin ang mga landian na walang patutunguhan na kahit alam naman natin na malabo at hindi talaga magkakatotoo sa darating na panahon, eh patuloy nating ipinagpapatuloy ang kagaguhan na ito. Dahil ba para itong skyflakes na pampalipas gutom? Isang vitamins para maging inspired parati na walang halong commitment? Maraming kumplikadong tanong.

Minsan talaga may pagkakataon na kahit alam mong landian, minsan iniisip mo totoo na lang, kasi naiisip mo na ” Nagawa niyo na eh, ayun na yun eh.. bakit hindi pa namin maituloy sa gusto naming pagmamahalan?” Bakit bawal kami? Friendzoned na naman ba? Sa gilid na naman ako? Waiting room ulet? Una ako sa pila tapos waiting Room?

Parang ganun na lang ang masasabi mo sa sarili mo eh.


WOF
"nakakamaga ng nerves"


note: WOF is my Screen DJ Name when i was ... =)

Ref:
https://www.facebook.com/pinoyradioonline/photos/a.264190480280602.69002.260546060645044/559681677398146/?type=3&theater