Nakikinig kapa ba sa tibok ng puso ko?
O nakatingin sa luha ng aking mga mata??
Isa lang naman ang nais kong makasama
Kundi ikaw..
Bakit mo ba ako iniiwasan?
Bakit ka ba lumalayo?
Maari mo bang hawakan ang aking mga kamay?
Pakiramdaman ko lang naman kung mahal mo pa rin ako…
Bat nababaliw ako sa iyo?
Bat mo ako pinapaiyak ng ganito?
Andito ka na sa tabi ko
Pero parang hangin ka lamang na kasama ko…
AKo lamang ata ang nagmamahal
Luha lang ng minamahal
Isang walang kwentang pagmamahal?
Maari ba kitang yakapin?
Isang yapos ng pag-papaalam…
Huwag mong kalimutan ang masasaya nating nakaraan
Mahal kita kaya dapat na kitang pakawalan
Kung dumating man oras na magkita tayong muli
At nais mong bumalik sa akin
Tamang panahon lang ang makakasagot
Kung talagang ikaw ay nararapat sa akin