Kamusta ka? Na kakamiss din pala na minsan ay inaaway mo ako na di ko alam ang dahilan. Alam kong ikaw lang naman ang nakakakilala sa akin. Ano pala ang ginagawa mo?
Ang laki ng panghihinayang ko lalo’t di na kita kasama araw-araw. Ang hirap din palang iwanan ka pero kailangan. Isang tao na minahal na ngayon ay wala sa aking tabi. Sa totoo lang hindi kita makalimutan na sana balang araw ay muling magkasalubong ang landas natin.
I feel painful and i can't forget your grumbling that you did many times a day . Ang naging ngiti mo.. ang pagyakap mo ng mahigpit at huling halik na may patak na luha ng tayo ay maghiwalay.
Hindi ko ipinakitang nanghina ako at nasasaktan ako pero kailangan kong tumalikod at itago ang luha ngunit pinigalan mo ako at muling hinarap at pinunasan ang aking munting butil na pagmamahal mula sa aking mga mata at sabay namutawi sa iyo ay salitang “salamat” at muling yumakap at tuluyan kang tumalikod at nakatingin ako sa iyo na unti unti nilalamon ng iba't ibang taong dumadaan hanggang sa ikaw ay mawala… nakatingin na lamang ako sa eroplano na kung saan ikaw ay lulan...
munting salita din mula sa akin na "Salamat"…
( Ang aking munting Obra - MF ROB)





