A bit of me

I am "NF ROB" writing and reading are my drugs. I can block the whole world when I do both and I have an element of craziness in my mind, in the end, all artists have that element. It's the fountain of our creativity. It's the reason we feel like we fly away when our craft starts to direct itself on the paper... show ur inner thought....

sa tagalog....

Ako ay si "NF ROB" at ako ay magaling umakyat ng mora,magpanganlin ng bayawak,manguha ng parensukit, bag-ang alo, puso-pusoan at bag ang usa. Kayang maglakad papuntang balungay via kalusan habang nangunguha ng tagbak amayit at kibal. Marunong ding mag-ihaw ng rimas at araro. Ganun di ang mag bitag ng labuyo, musang at alimos. Marunong ding manihi, mamangkalan, bugitis at kukung kabayo. Mahilig ding kumain ng sahang, kibit, balatan, at tibangka. Paboritong kong isda ay mungit, pakoy tang iban, tampal puke at baol baulan. Marunong ding manapon, mamaktaw, mag kitang at mamana ng talusak, buragta at padot, paborito mag langoy sa buhang, kalibon at maputi. Magaling ding mamatda ng bukwit, taray taray tuririyak at manok manokan. Marunong ding mamugad ng tikling, tsubak, tubtub at lagaran. marunong ding umakyat yng kayabing, pilig at pilaway. Marunong ding manguway ng limuran , taliktik, at palasan.


Isang uripon na lumalaban ayon sa karapatan at di tumitingala sa mga maharlikang ganid sa kapangyarihang mula sa utak ng manlililok.
Marunong din ako tumaya ng lotto at nagpapake sa Binggo ang magpusoy, tong it's. Kumikilala at sumasaludo sa matatapang na makalumang sota,oros, kopas, espada at bastos

Hindi tumitingin sa salamin dahil sa hintatakot ng mga maharlika kong balahibo,,,

Thursday, June 21, 2012

"BAG" - General Order


Sa pagpasok ko ng hospital na ito, muli na naman nanariwa ang nakaraan. Kung paano ako idikit ang mga cable sa katawan ko ang ilagay tanggalin... ilagay ulit at tangalin... paulit ulit tulad ng mga turok ng "injection" para kumuha ng blood sample... isa.. dalawa.. tatlo... hanggang umabot ng labing lima at di ko na nakayanan hindi ko na din nabilang. Kaliwa't kanang braso kelangan nila mag "break" napapapikit na lang ako. Sabi nga parang kagat lang ng langgam. Inisip ko sana kumuha na lang silang isang pirasong langgam at ipakagat sa akin awwww... sakit...

Wednesday, June 20, 2012

"BAG" - Visit to clinic



(continuation part 2 na tayo)


Nakahinga ako ng maayos bagamat nahihilo ako… naka-ngiti lang ang Karwa taxi Driver na isang Aprikano at tinanong ako “Where in hospital boss?” ang sabi nya at nagulat ako at nagtaka.. bat alam nya na sa Hospital ako pupunta

“Please drop me at Hearth Hospital” sabi ko… “OK!” ang sabi nya…

Tuesday, June 19, 2012

"BAG"




June 17, 2012, 3:09 AM bigla akong napabangon… di ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Naka-yukupkop ako sa dibdib, kapos sa paghinga bagamat alam kong masama na ang pakiramdam ko bago ako matulog. Ng makapag pahinga ng konti ay tumayo ako, sa aking pagkatayo nakaramdam ako ng pagkahilo ko muntik na akong tumimbwang buti na lang napahawak ako sa aking Bag Pack.

Pambihira ka!







Ibagsak mo man ang isang tao o bagay

Siguruhin mo lang na di lalagpak

Nakapag umpisa ka dahil sa kanya

Dapat mo lang i-aangat na kasama sya

Monday, June 18, 2012

Makabagong Bobo





Inaabuso minsan
 ang munting Kabutihan
Pangsiriling interes

 yun lamang ang ninanais

Sunday, June 17, 2012

Nangarap

Ika’y Inaalala
Sa twina’y nag-iisa
Nangangarap makasama
Makurot at malambing ka

Tuesday, June 12, 2012

Lumang Banat 3


  • May mga tao talaga na kapag nahanap na ng bagong KALIGAYAHAN..hindi na naiisip pahaLagahan ang dating PINAGSAMAHAN...
  • Memories are memories at di maibabalik ang yon... so isipin na lang ang mga happy journey with her... my life now are so very llimited... =)
  • life goes on in on... life goes on in on... life goes on in on...